Muling bumalik sa The Hague, Netherlands si Vice President Sara Duterte upang personal na dalawin ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court kaugnay ng mga kasong crimes against humanity.
Sa muling pagkikita ng mag-ama, inilahad ng bise presidente na umiikot ang kanilang pag-uusap sa pulitika at mga isyung kinahaharap ng bansa.






















