Pasok na sa semi-finals ng UNTV Cup Executive Face Off 2025 ang mga koponan ng undefeated na AFP Cavaliers at Judiciary Magis matapos ang bakbakan sa hard court kahapon sa Amoranto Arena sa Quezon City.
Samantala, eliminated na ang Executive Branch Commanders matapos silang tambakan ng Ombudsman Graftbusters.