Inilarawan ni Senator Imee Marcos na pananakot at panloloko lang ang ibinunyag ni Ombudsman Crispin Remulla kamakailan na mayroon nang arrest warrant ang International Criminal Court o ICC para kay Sen. Bato dela Rosa.
Ayon sa senador, walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, wala ring formal request o communication sa Korte ng Pilipinas.






















