Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na nalugi ng P1.7 trillion ang market value ng mga kumpanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange dahil umano sa isyu ng korapsyon sa flood control projects.
Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Sec. Frederick Go, fake news ang naturang post at walang basehan ang sinasabing pagkalugi matapos niyang makausap ang SEC Chairman at mga opisyal ng PSE.