Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang listahan ng 87 ospital ng Department of Health na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libre ang gamutan.
Kabilang ito sa ibinida ng Pangulo sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.
Gayunman, para sa isang grupo ng mga health worker, hindi ito sumasalamin sa tunay na estado ng mga pampublikong ospital sa bansa.