Binalaan ni US President Donald Trump ang Hamas na tatapusin niya ang militanteng grupo kung lalabag sa ceasefire deal na inirekomenda ng Estados Unidos sa Gaza.
Kasabay nito, hiniling ni US Pres. Trump na itigil na ng Hamas ang mga isinasagawa nitong pagpatay sa harap ng publiko at ang iba pa nitong mararahas na gawain.






















