Iniutos ni US President Donald Trump na i-posisyon na ang dalawang nuclear submarine ng Amerika bilang tugon sa pahayag ni former Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.
Naniniwala naman ang ilang security analysts, na ang hakbang na ito ni Trump ay salita lamang ngunit hindi nangangahulugang kikilos na nga ang US military laban sa Russia.