Muling nanawagan ng pagkakaisa ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa sa ginanap na pulong sa Belém, Brazil upang tugunan ang tumitinding epekto ng climate change.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga isyung gaya ng pagtaas ng global temperature, kakulangan sa climate finance, at patuloy na paggamit ng fossil fuels, habang ilang lider ang bumatikos sa tila hindi pagbibigay-halaga ng ilang makapangyarihang bansa tulad ng Estados Unidos.























