Ninais ni Senator Alan Peter Cayetano na isama sa SONA ni Pangulong Marcos ang total ban sa online gambling, isang hakbang na inaasahan sana niyang maririnig, gaya ng naging standing ovation noon sa anunsyo ng pagbabawal sa POGO.
Sang-ayon naman siya sa layunin ng zero balance billing sa DOH-hospitals, ngunit iginiit niyang dapat bantayang mabuti kung maisasakatuparan ang mga ipinangakong programa, lalo na sa usapin ng budget, kalusugan, edukasyon, at accountability ng mga opisyal ng gobyerno.