Tiniyak ng bagong talagang tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez na si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nananatiling suportado ng mayorya ng mga kongresista ang liderato ng Kamara.
Ito ay sa kabila ng pagkakasangkot ng Speaker sa anomalya ng flood control projects. Itinanggi rin ni Barbers ang umuugong na magbibitiw sa puwesto si Romualdez.