Plano ni Senate President Tito Sotto na kausapin ang mga senador at hingin ang permiso ng mga ito sa pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Ito ay sa gitna ng mga isyu ng katiwalian kung saan iniuugnay ang pangalan ng ilang senador sa maanomalyang flood control projects.