Binigyang-diin ni Senate President Chiz Escudero na makabubuti ang pagbabawas ng pondo ng Department of Public Works and Highways upang maiwasan ang korapsyon.
Ayon sa mambabatas, mas praktikal at makabubuti na tapyasan na muna ang pondong ilalaan para sa flood control at ibuhos sa ibang mga sektor.