Nananatiling may impasse o hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay ng mga isyu sa impeachment proceedings kay Vice President Sara Duterte.
Kabilang dito ang tanong kung nasunod ba ang itinakda ng Saligang Batas sa pagbuo at paghahain ng articles of impeachment laban sa pangalawang pangulo.
Pero ayon sa isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution, may paraan naman para maresolba ang isyu.