Planong pabilisin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang rate reset o ang pag-aaral at pag-aayos na kanilang ginagawa sa pagsingil ng power companies, tulad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at mga distribution utility gaya ng Meralco.
Ayon kay Atty. Francis Saturnino Juan na s'yang bagong ERC Chairperson, kung mapatunayang mayroong sobrang singil ay maaari itong ibalik o i-refund.