Nagpapaalala ang National Privacy Commission o NPC sa publiko na hindi dapat isapubliko ang sensitibong mga impormasyon na nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Ayon sa NPC, kung hindi naman kailangan sa SALN ang sensitibong personal na impormasyon, ay maaari naman itong i-redact upang hindi magamit sa iba't ibang threat o cyber threat.






















