Patuloy pang pinag-uusapan ng mayorya sa Senado kung sino ang hahalili bilang Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee matapos magbitiw si Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, lima ang posibleng pumalit kay Lacson kabilang sina Senators JV Ejercito, Raffy Tulfo, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Pia Cayetano.