Inaasahang magbobotohan mamaya ang mga senador kung itutuloy pa ang impeachment proceedings kay Vice President Sara Duterte.
Sa gitna ito ng mga panawagan na ipagpaliban ang pag-aksyon ng Senado habang sinusubukan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na kumbinsihin ang Korte Suprema na baligtarin ang desisyon nito na nagpapawalang-bisa sa articles of impeachment.