Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga plano nito sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maaanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sa isang social media post, sinabi ni Sen. Lacson na sakaling muli siyang ihalal bilang chairperson ng Blue Ribbon sa November 10, itutuloy nito ang pagdinig sa November 14.






















