Ikinatuwa ni Senator Bam Aquino ang pagtutok ng administrasyon sa sektor ng edukasyon. Bilang dating chairman ng Senate Committee on Education, tiniyak niyang babantayan ang implementasyon ng mga ipinangakong reporma gaya ng karagdagang silid-aralan, koneksyon sa internet, at suporta sa mga guro. Kasabay nito, nanawagan din siya ng masusing imbestigasyon sa pondo ng flood control upang matiyak na hindi ito nasasayang o nabubulsa.