Isa-isang sinagot ni resigned National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang mga akusasyon laban sa kanya na naging mitsa ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Dumalo rin siya sa flag raising ceremony ng NBI sa Pasay City upang personal na magpaalam sa mga kawani ng ahensiya.
Sa kabila ng kanyang pagbibitiw, tiniyak ni Santiago na nananatili ang kanyang tiwala sa kasalukuyang administrasyon.