Pirmado na kahapon ang memorandum na muling nagbibigay ng mas malayang karapatan sa publiko na makita ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyal ng gobyerno.
Batay sa memorandum na ito, hindi na kailangan ng pahintulot ng isang public official kung may nagrerequest na makita ang kanyang SALN.