Nanindigan si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste na dapat lamang suriin ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya, kung mapatunayan ang mga alegasyon ng korapsyon, hindi dapat aprubahan ang panukalang pondo nito para sa taong 2026.