Nanawagan si House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan Rep. Edgar Erice ng malawakang reporma sa Kamara sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian sa 19th Congress.
Ayon kay Rep. Erice, kailangang linisin ng Kongreso ang hanay nito at palakasin ang kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI upang mas maimbestigahan ang mga umano’y maanomalyang flood control projects.