Inatasan na ni National Bureau of Investigation Dir. Jaime Santiago ang mga NBI regional director na magsagawa ng imbestigasyon sa mga flood control project.
Ayon kay Santiago, ito ay upang may maihanda na silang dokumento sakaling atasan sila ng pamahalaan na magsagawa ng imbestigasyon lalo na sa mga lugar na binisita ni PBBM.