Ipinatigil ni Philippine Army Chief Lieutenant General Antonio Nafarrete ang pagsasagawa ng “reception ceremonies” kasunod ng pagkamatay ng isang sundalo sa Maguindanao del Sur.
Ginawa ang desisyon habang isinasagawa ang masusing review sa insidente.
Giit ni Nafarrete, hindi dapat nauuwi sa kapahamakan ang tradisyong ito sa pagtanggap ng mga bagong miyembro ng Army.