Hindi pa malinaw ang motibo ng pulis na nang-holdap sa isang convenience store at napatay sa Bulacan, pero ayon kay National Capital Region Police o NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo, lumalabas na baon ito sa utang.
Ayon naman sa Director ng Bulacan Provincial Police Office na si PCol. Angel Garcillano, sangkot din sa iba pang kaso ng pagnanakaw sa Bulacan ang nang-holdap na pulis.






















