Dumalo si dating Senate Finance Committee Chairman Grace Poe sa patawag na pagpupulong ng Independent Commission for Infrastructure o ICI kung saan ibinahagi nito ang kaniyang kaalaman ukol sa proseso ng 2025 national budget.
Samantala nagtungo rin sa ICI si Navotas City Representative Toby Tiangco kung saan inihatid nito ang ilang ebidensya na magagamit ng ICI sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa isyu ng maanomalyang flood control projects.