Maglalaan ang Department of Agriculture ng tinatayang P400-M sa mga agricultural input gaya ng palay, mais, at gulay para sa mga magsasaka at lugar na matinding naapektuhan ng Bagyong Crising at habagat.
Samantala, sa kabila ng pinsala sa agrikultura, tiniyak naman ng ahensya na walang pinangangambahang pagtaas sa presyo ng bilihin kahit sa mga gulay at bigas sa mga pamilihan.