Magsisimula nang magpadala ng subpoena ang Office of the Ombudsman sa mga indibidwal na nasasangkot sa flood control scandal.
Kaugnay ito ng nalalapit na preliminary investigation sa reklamong unang naisampa kaugnay ng kontrobersya.
Tiniyak naman ni Ombudsman Crispin Remulla na hindi tatagal ng dalawang buwan ang paunang imbestigasyon.