Naka-standby din ang UNTV News and Rescue unit sa Cagayan kasama ang lokal na pamahalaan para sa mga mangangailangan ng tulong sa pananalasa ng bagyong Nando.
Ayon sa Municipal Risk Reduction and Management Office ng Tuguegarao, Cagayan, ay wala pa namang lugar na binaha dito sa area. Gayunman, ay nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga residente na malapit sa ilog at mga low-lying areas.