Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbuo ng polisiya para solusyunan ang problema ng online gambling.
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong kung bakit hindi n'ya ito nabanggit sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address o SONA.