Walang naitalang looting o pagnanakaw sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino, ayon kay Philippine National Police Directorate for Police Community Relations (DPCR) Executive Officer PCol. Jessie Tamayao.
Sa kabila nito, hindi pa rin nagpapakakampante ang Pambansang Pulisya, kaya nakataas pa rin sa full alert status ang pag-alerto sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.























