Dismayado ang Philippine National Police o PNP sa safety advisory ng Ministry of Education ng China kaugnay sa umano’y lumalalang sitwasyong panseguridad sa Pilipinas.
Sa abiso ng ministry, pinayuhan nito ang mga estudyanteng Chinese na balak mag-aral sa bansa na suriing maigi ang mga posibleng panganib at mag-doble ingat dahil sa mga insidente ng krimen.