Kinakitaan umano ng kapabayaan si Philippine National Police Chief General Nicolas Torre III at ang ilang opisyal ng pambansang pulisya sa imbestigasyon sa pagkawala ng aktibista sa Bicol na si Felix Salaveria Jr.
Sa desisyon ng Court of Appeals, sinabi nito na may negligence sa bahagi ni Torre na noon ay hepe ng CIDG.