Nagsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority sa MRT Line 7 Batasan Station kaninang umaga para alamin ang posibleng dahilan ng pagbaha sa lugar.
Sa isinagawang declogging operation ng MMDA, nakuha mula sa drainage ang plywood at malalaking tipak ng bato.
Inaasahan namang sisimulan na bukas, July 24, ang pagpapalawak ng inlet ng drainage sa lugar sa sukat na 3 meters by 3 meters.