Nagpahayag na ng kahandaan ang Department of Tourism para sa hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation Summit sa 2026.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, nakapagsagawa na rin sila ng site inspection sa ilang tourist site sa Cebu na kinokonsiderang pagdausan ng ASEAN summit.