Dapat paghandaan ng Pilipinas, legal man o militar, ang posibleng pagtatayo ng China ng monitoring system sa Scarborough Shoal, ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Mungkahi rin ng dating mahistrado ang pagkakaroon ng mas maraming BrahMos missile system para sa depensa ng bansa.






















