Iginiit ng Philippine Navy na walang basehan ang alegasyong kinukupkop nila ang retiradong sundalong si Orly Guteza, matapos ang pahayag ng isang dating kongresista na umano’y itinatago nila ito.
Samantala, iniimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines kung sino ang posibleng nagpondo sa rally ng mga retiradong opisyal ng militar sa People Power Monument sa EDSA ngayong araw.






















