Ipinaliwanag ngayon ng Department of Foreign Affairs na maaari lamang nilang kanselahin ang passport kung ito ay ipinag-utos ng korte o kung dumaan sa iligal na proseso para makakuha nito.
Inilabas ng DFA ang pahayag, sa gitna ng mga panawagang kanselahin ang passport ng nag-bitiw na mambabatas na si Zaldy Co, na sinasabing kumubra umano ng bilyong pisong halaga mula sa pondo ng bayan.