Malaki ang paniniwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapapalakas ang turismo kung maaayos pa ang mga paliparan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kanina, pinangunahan ng Pangulo ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng bagong passenger terminal building sa Caticlan Airport.