Muling nakakuha ng hinihinalang human remains ang mga tauhan ng Philippine National Police mula sa Lawa ng Taal.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nakuha ang mga buto sa nakalipas na 2 araw na pagsasagawa ng search and retrieval operation kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.