Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang walang patid na pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Uwan, ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.
Ipinag-utos rin ni PBBM sa Department of Health o DOH na siguraduhing mayroong mga medical team sa lahat ng evacuation centers upang mabantayan ang kalusugan ng mga evacuees.























