Ipinauubaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ang desisyon kung isasapubliko ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, naninindigan ang pangulo sa transparency ngunit nasa ICI kung paano ito ipatutupad.