Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagbunyag na 15 kontratista ang nakakuha ng aabot sa P100 bilyong halaga ng mga flood control project mula 2022.
Ilan sa mga proyektong ito ay tinukoy ng Pangulo bilang kaduda-duda dahil sa kakulangan ng detalye at pagkakapareho ng halaga ng gastusin.