Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang paraan ng Department of the Interior and Local Government sa pag-aanunsyo ng kanselasyon ng pasok sa trabaho at paaralan sa social media.
Ipinagtanggol naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang istilo ni Secretary Jonvic Remulla sa pagbibigay ng anunsyo.
Samantala, iginiit din ng pangulo na hindi nararapat ang pagpaskil ng SONA materials sa ilang kalsada sa gitna ng nararanasang masamang panahon.