Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maresolba sa lalong madaling panahon ang ilang mga nakabinbing concerns ng mga tsuper kabilang na ang isyu sa pagpaparehistro.
Matapos ang pakikipag-dayalogo sa Manibela kahapon, sinabi ng ahensya na plano rin nilang tignan ang umano’y ‘payola’ na kinakaharap ng mga tsuper.






















