Kinansela ng Pasig City Regional Trial Court ang pasaporte nina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at Cassandra Li Ong.
Humaharap ang mga personalidad na ito sa human trafficking case dahil sa umano’y kanilang kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO hub na Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.






















