Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang evacuation centers sa gitna ng patuloy na pag-ulan. Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pag-aalala sa kapakanan ng mga estudyante dahil sa sunod-sunod na suspensyon ng klase dulot ng masamang panahon.