Nakatakdang magtayo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng modular housing units bilang pansamantalang tirahan para sa mga evacuees sa Tarragona, Manay, at Baganga.
Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga nasira ang bahay dahil sa malakas na lindol sa Davao Oriental.
Samantala, umaabot na sa isang milyong indibidwal ang apektado ng 7.4 magnitude na lindol sa Davao region.