Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Emong ngayong umaga.
Ayon sa PAGASA, lumabas ang bagyo bandang 7:10 a.m.
Samantala, patuloy pa ring magdadala ng pag-ulan ang southwest monsoon o hanging habagat sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.